Posisyon Sa Isyu Tungkol Sa Eutanisya

Posisyon sa isyu tungkol sa eutanisya

Ang euthanasia o mercy killing ay nangangahulugang pag-aalis ng pagdurusa ng isa mula sa hindi na mapipigilang kamatayan at nangangahulugan ito nang pagkawala ng hininga niyaon.

Ito ay nagiging isyu sa kasagraduhan ng buhay. At iba-iba ang pananaw ng awtoridad depende kung ano ang pinapanigan nila. May ilan na nagsasabing walang karapatan ang sinuman ang direktang alisin ang buhay ng isa at itinuturing ito na mortal na kasalanan. Ngunit kinakastigo ito ng mga kaanak o di kaya ng mismong may katawan yamang ang kanilang pagdurusa ay lubhang nakapipighati at wala nang kagalingan. Ito ay base sa kanilang karapatang ukol sa sariling pagpapasya. Paano ito reresolbahin?

Ang isa na puwede nating asahan na magsasalita tungkol sa kaniyang pananaw at kahatulan ay ang mismong Maylikha ng Buhay- ang ating Diyos. Ipinasulat niya ito sa kaniyang Banal na Aklat, ang Bibliya.

Siya ang pinagmulan ng buhay kaya makatuwirang aasahan niyang aalgaan natin ang ating buhay. Nakikita Niya kung paano natin ito inaabuso at siya ay humahatol mismo laban sa mga iyon. Siya din ang may awtoridad na humatol ng kamatayan sa sinuman na lumalabag sa kaniyang mga mataas na pamantayan at hindi nagsisisi. Buhay ang nasasangkot.

Ngunit ipinauunawa din ng Bibliya na ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao kung kaya ang kasaysayan ng tao ay nakararanas na kamatayan, ito man ay dahil sa krimen, digmaan, aksidente o pagkakasakit. Kaya naman, anumang pagsisikap ng isa na mapanatili ang buhay, ay hindi nagiging posible na mahawakan ito ng isang mortal na tao.

Kaya kamusta sa mga kalagayang malubha na ang kondisyon ng mga pasyente o biktima. Kanino man nakaatang ang pagpapasya, sa may malay na pasyente man o sa malapit na kamag-anak, isa lamang ang tiyak- nakikita nila ang napipinto at hindi na mapipigilang kamatayan ng pasyente.  

Baka ang ilang pasyente ay nabubuhay na lamang dahil sa aparato o sa itinuturok na gamot. O di kaya naman ay sumasailalim na lamang siya sa isang medical treatment para humaba pa ng "kaunti" ang kaniyang buhay mula sa isang walang kagalingang sakit, na kapag inihinto ay mas mapapabilis ang kaniyang pagdurusa at kamatayan.

Idagdag pa dito ang epekto sa pinansiyal at pamumuhay ng kaanak. Magiging praktikal pa ba sa maiiwan ang kanilang magiging buhay sa mas mahaba pang panahon?

Kaya ang pagpapasya ay naka depende sa bawat kalagayan. AT nakikita ng Diyos ang tunay na motibo ng euthanasia o mercy killing. Kung sadya bang pinuputol ang hininga o ang pagpapa-igsi ng paghihirap sa proseso ng di na mapipigilang kamatayan.


Comments

Popular posts from this blog